top of page

Maraming Pilipino ang mayroon ng mataas na cholesterol at upang masolusyonan ito ay kinakailangan nilang bumili ng gamot ngunit  dahil maraming Pilipino ang mahirap, may mga pagkakataon na hindi sila nakakainom ng gamot dahil sa mahal na presyo nito.

Maaaring hindi uminom ng gamot, ngunit kalian ito pwede?

Ayon sa National Cholesterol Education ng America, may isang gamot ang binibigay at ito ay ang statins. Ang statins ay ibinibigay sa isang pasyente na umabot ang cholesterol sa 240mg/dl ngunit wala naming diabetes at wala ring sakit sa puso. Kung umabot sa 240 mg/dl  ang iyong kolesterol may isang alternatibong paraan upang ito ay masolusyonan, maaari kang mag-diyeta.

Ngunit mayroong mga doctor na nagbibigay agad ng statins kahit hindi pa umaabot sa 240 mg/dl  ang cholesterol. Isa ito sa mga dahilan na lalong nagpapatakot sa mga Pilipino na mahihirap, wala na ngang pera, isipin pa nila ang kanilang gamot kahit hindi pa naman umaabot ang kanilang cholesterol sa 240 mg/dl.

Kung ang iyong cholesterol ay lumampas sa 240 mg/dl, maaaring mag-diyeta sa loob ng 2 buwan at kinakailangang umiwas sa mga pagkaing mayaman sa cholesterol tulad ng karne, itlog, cake, icing at marami pang  iba upang masolusyonan ang problema.

Ngunit kailangang tandaan na kapag ikaw ay isang babae at hindi ka pa menopause, hindi ka matutulungan ng statins na pababain ang iyong cholesterol dahil mayroong pang estrogen sa katawan ng babae na siyang nagpoprotekta sa puso. 

bottom of page