top of page

Pagbaba ng Cholesterol

May Dela Rosa

Dagsa ngayon sa iab't ibang kainan ang masasarap na pagkain ngunit mataas ang cholesterol. Marami ang nahuhumaling at napapaulit sa pagkain nito sa kadahilanang ito binibigyan ang mga tao ng satisfaction.

 

Hindi nakakabuti ang cholesterol sa ating katawan. Dahil sa sobrang cholesterol sa ating katawan ay posibleng maging dahilan ito ng paglobo o pagiging mataba. Kaya kung mapapansin natin sa iba't ibang kainan mapapansin natin na marami ang mga oily at fat foods tulad ng letson o baboy, manok at mga junk foods.

​Pero mayroong ibang mga paraan upang bumaba ang cholesterol sa ating katawan. Kagay na lamang ng pagkain ng mga prutas na Avocado. Masagana ang avocado sa monounsaturated fatty acids, na nagpaparami ng HDL cholesterol o good cholesterol sa katawan. Kinukuha ng good cholesterol ang bad cholesterol sa mga ugat at dinadala ito sa atay upang mailabas sa ating sistema. Bukod sa good cholesterol, naglalaman din ang avocado ng beta-sitosterol, isang uri ng plant fat na pinipigilan ang pag-imbak ng cholesterol sa katawan.
Kailangan ay alagaan natin ang ating kalusugan. Maging mapanuri at ikontrol natin ang sarili sa pagkain ng mga fat foods at oily. Sapagkat maari itong magdala ng iba't ibang sakit maliban sa obesity.

 

bottom of page