


Ipagpapatuloy o Ititigil?
Marami sa mga Pilipino ang nakakaramda ng mga sakit na hindi maipaliwanag ng kanilang sarili. Sapagkat bigla-bigla na lamang itong nararamdaman ng kanilang sariling mga katawan.
Oo, masarap ang mga bawal pero dapat alam natin kung hanggang saan lamang ang ating limitasyon kasi hindi natin alam kung kailan bibigay ang ating mga katawan.
Masarap din naman ang hindi bawal sapagkat mas nakakapangakit ng lasa ang mas bawal sa atin.
Tama pa bang ipagpatuloy natin ang pagkain ng mga makokolesterol na pagkain kasi ito ay masarap?
Ayon kay Theresa Velasquez “ Para sa akin, pwede kang kumain ng pagkain kahit ano kung gusto mong matikiman na masarap o mas malasang pagkain kaysa sa ibang pag kain”.
Sa kaalaman ng lahat, mas masarap ang bawal kaysa sa hindi bawal sapagkat pagminsan-minsan ka lang makakatikim ng bawal.
Dagdag pa niya, “Pero mas pabor ako sa hindi bawal kasi mas makakampante ako na ligtas ang aking kalusugan kung hindi makokolesterol na pagkain ang aking kakainin at tiyak kong lugtas ako sa mga sakit na dala ng ibang pag kain”.
Ititigil nga ba ang pagkain ng makokolesterol o ipagpapatuloy?
Ang mga mamamayan mismo ang makakapagdesisyon. Pero itigil ang mas pabor sa lahat at ito ang ikakabuti ng bawat isa.