


Napag-alamang habang tumatanda ang isang tao, tumataas ang kanyang lebel ng cholesterol sa dugo ayon sa survey ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology (FNRI-DOST).
Ayon sa FNRI, hindi kailangan ng tao na mangamba dahil mayroong mga paraan upang maiwasan ang panganib na dulot ng mataas na lebel ng cholesterol.
Payo ng FNRI, mayroong mga pagkain na dapat iwasan dahil ito ay may masamang dulot sa katawan ng isang tao tulad ng mga pagkain na may saturated fats na nagpapataas ng bad cholesterol sa ating katawan na nagiging sanhi ng sakit sa puso.
Ang mga pagkain na dapat iwasan ay ang mga karne, manok/balat ng manok, butter, lard, crème at gatas. Hindi lang ang mga pagkain na ito ang dapat iwasan maging ang alak, paninigarilyo, mamantika at maaanghang na pagkain at labis na pag-inom ng kape , at ang labis na pagkain ng asukal o matatamis na pagkain.
Ang mga pagkain na nakakapagpabuti naman sa ating katawan ay ang mga corn, soybean, sunflower at safflower.
Payo ng FNRI na kinakailangan natin na alagaan an gating katawan upang tayo ay magkaroon ng malusog ma pangangatawan.
Sa pagtanda ng bawat tao ang mga sakit ay lumalapit
Video by- Laizza Pinion