


Sino Nga Ba?
Maraming tao mayroon ang mundo. Lahat ng tao sa mundo ay nagtataglay ng cholesterol sa katawan. Maaaring ang cholesterol na nangingibabaw sa kanilang katawan ay good cholesterol ngunit maaari din itong maging bad cholesterol. Ngunit sino nga ba ang mga tao na nangangailangan na kumonsulta sa doktor tungkol sa kanilang cholesterol?
Mahalaga na magpa-check ng cholesterol profile sa dugo dahil walang nararamdaman kahit mataas na ang cholesterol. Malalaman sa test na ito kung sobrang taas ng cholesterol para ma-estima kung gaano kalaki ang peligro ng pagkakaroon ng sakit sa puso o atake sa puso.
Ang mga tao na nangangailangan na kumonsulta sa doktor ay ang mga may altapresyon, may lahi ng mataas na cholesterol, malaki ang puso (left ventricular hypertrophy). Puwedeng makita kung malaki ang puso sa pag-eksamen ng doktor, sa ECG o sa chest X-ray, mga kamag-anak na maagang namatay (bago ng edad na 55 sa lalaki at bago ng edad 65 sa babae) sa heart attack o stroke, lalaki, edad 50 taong gulang at pataas, protina sa ihi at overweight o mataba.
May dalawang nagsisilbing transportasyon ang cholesterol: HDL cholesterol at LDL cholesterol. Ang HDL cholesterol ay tinatawag na “good cholesterol”, kinukuha nito ang labis na cholesterol sa mga cells at dinadala ito sa atay kung saan gagawin itong waste product ng katawan. Ang LDL cholesterol naman ay tinatawag na “bad cholesterol”, ito ay nag-iimbak ng cholesterol sa mga cells at kapag sumobra ang pag-iimbak ay maaaring may mabuong artery wall sa mga cells na maaaring magdulot ng mga sakit.
Magpatingin sa doktor kung kailangang magpa-check ng cholesterol profile. Ang doktor din ang puwedeng magbasa ng resulta para mabigyan ka ng payo kung anong dapat sunod na gawin – tulad ng pag-inom ng gamot para sa mataas na kolesterol.