


Masarap Kumain

Oo, pagkain ay malaking bagay sa atin,
Hindi uurungan kahit ano mang nakahain,
Basta’t pagkain wala ng pakialam sa kalusugan natin,
Basta ang nasa isip masarap ang kumain.
Oo, masarap nga ang kumain,
Napakasarap na hindi mo na maaalala ang katawan natin,
Kahit busog na ay kakainin parin ang tirang pagkain,
Wala nang pakiaalaman basta, ako’y kumakain.
​
Kaliwa’t kanan ang hawak ay pagkain,
Walang balak mamigay kasi ito’y para sa akin,
Bulsa ko’y wala ng laman makabili lang ng paborito kong pagkain,
sa restaurant na paborito namin.
Wala akong ibang iniisip kundi pagkain,
Kahit gabi pa’y iniisip kung saan kakain,
Masaya ako sa pagkain,
Kasi ito ang itinadhana sa akin.
Kahit tuksuhin man ako sa aking pangangatawan,
Pagkain ang una kong sinasandalan,
Pagkain ang nakakaintindi at nakakunawa sa akin,
Alam kong ako’y masaya kasi pagkain ang aking kapiling,
Kahit man ang mga bully ay nasa aking paligid.
Pagkahilo ay paulit-ulit ng nangyayari,
Pero hindi parin ito alintana sa akin,
Lalo’t ang ulam ay taba na para lamang sa akin,
Ito’y masarap pero di ko na kakayanin.
Sama ng pakiradam ang laging daing,
Pagkahilo, pananakit ng batok, pagkalabo ng paningin,
At kung minsan ay paninikip ng dibdib,
hindi alam kung bakit.
Nagpunta sa doktor napagtanto kung bakit,
Karamdam ay hindi normal gawa ng pagkain,
Oo masarap ang kumain pero….
Iba na ngayon.
Pagkain ng makolesterol ay iiwasan na,
Hindi ko kakayanin pag may nangyari sa akin,
Paborito ko mang taba ang nakahain sa lamesa namin,
Gulay na ngayon ang aking hahanapin.
Sisimulan ko na ngayon sa magandang paraan,
Patuloy-tuloy parin ito hanggang saang lamesa pumunta,
Pagkain ng masustansya ay ipagtitibay na,
Tatapusin ko din ito sa magandang paraan at….
Paalam na sa makokolesterol na pagkain na aking na kagawian.