top of page

Pilipino, High Blood kung Batay sa Bagong Pamantayan

ni Kaila Christine L. Mecija

 

35 milyong Pinoy ang maituturing na “high blood” sa bansa kung pagbabatayan ang bagong guidelines ng Amerika sa Blood Pressure.

Ang normal na BP ayon sa bagong guidelines na inilabas ng American Heart Association at American College of Cardiology ay 120/80 pababa at magsisimula naman sa 130/80 ang stage one ng hypertension.

Isa sa sanhi ng mataas na blood pressure ay ang cholesterol dahil kapag tumaba ang isang pasyente inaasahan na tataas ang cholesterol nito na kasabay ng pagtaas ng blood pressure.

Kinakailangan na ugaliin ang magpacheck-up ng BP sa doktor lalo na kung may sakit sa puso, diabetes at kung lahi may lahi ng high blood.

Ugaliin ding mag ehersisyo kahit ang paglalakad lang ng 30 minuto kada araw ay malaking bagay na para gawing normal ang blood pressure at iwasan din ang pagkain na maalat at iwasan din ang pagbibisyo.

Sanhi ng Pagkakaroon ng Mataas na Cholesterol at mga Pagkain na dapat Iwasan- Kaila Mecija

bottom of page